Aminado ang World Health Organization (WHO) na mayroong maliit lamang na bahagi ng COVID-19 pandemic ang posibleng matapos na ngayong taon.
Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na mangyayari lamang ito kapag 70 percent ng populasyon ng mundo ay maturukan na ng COVID-19 vaccines.
Paliwanag nito na nasa kamay mismo ng bawat bansa ang pagtatapos ng pandemiya at ito ay sa pamamagitan ng malawakang pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Kasabay din nito ay bumisita siiya sa Afrigen Biologics and Vaccines na gumawa ng kauna-unahang mRNA COVID-19 vaccines na gawa sa Africa gamit ang disenyo mula sa Moderna.
Kapag natuloy aniya ito ay magiging mura na at kayang pataasin ang antas ng mga nababakunahan sa Africa.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 11 percent na mga Africans ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.