Nasa limang porsyento lamang sa mga naaresto na hindi nagsusuot ng tama at hindi nagsusuot ng face mask ang tinuluyang kasuhan ng mga kapulisan.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na hindi na tataas sa ganitong bilang ang kinasuhan ng paglabag sa ordinansa o paglabag sa Revised Penal Code.
Karamihan sa mga naaresto o 80 percent ng mga inaresto dahil sa hindi pagsusuot ng tama o walang face mask ay binigyan lamang ng warning ng mga kapulisan.
Binubuo ito ng 15,556 ang binigyan ng babala, 14,066 dito ang pinagmulta, 2,308 na indibidwal naman ang sumailalim sa community service, 249 ang inquested at 697 ang inaresto na dumaan sa regular filing ng kaso.
Reaksyon ito ni Malaya sa naging puna na hindi tinutuluyang kasuhan ang mga nasisitang hindi nagsusuot ng kanilang face mask.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na hulihin at imbestigahan ang mga hindi nagsusuot at hindi nagsusuot ng tama ng kanilang face mask habang nasa publiko.
Paglilinaw naman ni PNP chief Guillermo Eleazar na hindi magpapatupad ng mabigat na parusa ang PNP sa mga face mask violator kung saan bibigyan na lamang sila ng mga face mask.