-- Advertisements --
Nakabalik sa Charlotte Hornets si Malik Monk matapos ang ilang buwang suspension nito.
Sinuspendi kasi ang 22-anyos na si Monk matapos na magpositibo ito sa iligal na substance na paglabag sa anti-drug policy ng NBA noong Pebrero 26.
Sinabi ni Hornets general manager Mitch Kupchak, na natapos na ang ipinataw na suspension kay Monk.
Sumasali na rin ito sa ilang mga ensayo na isinasagawa ng mga koponan.