-- Advertisements --

Hinahabol na ngayon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang nasa mahigit na 100 na mga maliliit na illegal gambling operators sa bansa.

Ayon sa PAOCC na dumami ang mga maliliit ng illegal gambling operators matapos na buwagin nila ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Sinabi pa ni PAOCC spokesperson Winston Casio na matatagpuan ang mga ito sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Aminado ito na isang malaking hamon sa kanila ngayon ito dahil sa marami sa mga dito ang nasa underground operations na.

Kanila na ring binabantayan ang mga Chinese at Malaysian nationals na maaring nagpi-finance ng nasabing iligal gambling.

Pinasalamatan na lamang nito ang mga iba’t-ibang ahensiya at Local Government Units para tuluyang masukol ang iligal operasyon ng mga ito.