CENTRAL MINDANAO – Nasa 759 na mga maliliit na magsasakang na taga-lungsod ng Kidapawan na apektado ng COV-19 ang nakapag-avail ng ALPAS COVID19 Ahon Lahat Pagkaing Sapat Kontra COVID-19 loan program mula sa Department of Agriculture Region XII.
Tumanggap ng P25,000 na pautang ang mga magsasaka at mangingisda na napabilang sa Registry System for Basic Sectors for Agriculture (RSBSA) ng city government sa isang simpleng seremonya May 13, 2020.
Personal na pinangunahan ni DA XII Regional Director Allan Mangelen, City Agriculture Office, at ng Cooperative Bank of Cotabato ang pamamahagi ng loan program.
Makakatulong ang loan program sa mga magsasaka at mangingisdang nawalan ng kita, ayon pa kay Mangelen.
Babayaran ng beneficiary ang P25,000 na loan ng walang interes sa loob ng 10 taon sa Cooperative Bank of Cotabato.
Ang Survival and Recovery (SURE) Aid program ng DA ay naglalayong makapagbigay ng kinakailangang tulong sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda.
Bahagi ng P4 bilyong pondo ng Expanded Sure Aid and Recovery project at ng Agricultural Credit Policy Council ng Department of Agriculture ang loan program para sa 759 farmer beneficiaries sa lungsod.
Patuloy naman na hinihikayat ng City Government ang iba pang mga magsasaka at mangingisda na hindi pa nakapagpatala sa RSBSA na sumali sa programa upang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Mangyaring dumulog lamang sila sa tanggapan ng City Agriculture sa City Hall para makapagpatala sa RSBSA kalakip ang 2×2 ID pictures at Valid ID.