-- Advertisements --
DAVAO CITY – Tinutulungan ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante sa lalawigan ng Davao Occidental sa pamamagitan ng “live selling” para hindi mahirapan ang mga ito na ibenta ang kanilang mga produkto.
Ang nasabing hakbang ay tinatawag na One Town One Product (OTOP) Hub Davao Occidental.
Ayon kay Ma. Joycelyn Banlasan, program office manager sa DTI- DavOCC, makakatulong ang nasabing hakbang lalo na at maraming maliit na negosyante sa lalawigan ang apektado ng COVID-19 pandemic.
Karamihan sa mga ito ay nahihirapan na ibenta ang kanilang mga produkto dahil sa pagpapatupad rin ng mahigpit restrictions sa lugar.