Isinisi ng National Transportation Safety Board (NTSB) sa piloto ng helicopter na sinakyan ni Kobe Bryant kaya nangyari ang aksidente.
Sa inilabas na pahayag ng NTSB na ipinilit pa rin ng piloto na lumipad kahit na alam nito na masama ang panahon.
Isa rin nakita rito ay ang pressure mula sa kaniyang pasahero na isang NBA superstar na pinabulaanan ng kampo ng Los Angeles Lakers star.
Nakikita rin ng NTSB na maaring dumanas ang piloto ng Spatial Disorientation na ang akala nito na lumilipad pataas ang helicopter subalit sa katunayan ay pabagsak na pala ito.
Nanindigan si NTSB Chairman Robert Sumwait na nilabag ng piloto ang visual flight rules na basta na lamang nagdesisyon.
Matagal na rin aniyang pinagkakatiwalaan ni Bryant ang piloto kaya ganun na lamang ang desisyon nito na lumipad.
Magugunitang bumagsak ang helicopter na sinakyan ni Bryant kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa noong Enero 26, 2020 dahil umano sa sama ng panahon.