-- Advertisements --

Pananagutan pa rin ni BuCor Dir. Gen. Nicanor Faeldon, kahit ang mali-maling computation sa mga nakaraang panahon para sa good conduct time allowance (GCTA) ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ito ang binigyang diin ni Sen. Franklin Drilon, dahil si Faeldon ang siyang pinal na magbibilang at mag-aapruba ng release ng sinumang bilanggo.

Lumalabas kasing kahit sa mga panahong nakagawa ng malalaking kasalanan si Sanchez, tulad ng pagtatago ng P1.5 million shabu sa isang rebulto, ay “good conduct” pa rin ito sa record ng BuCor.

“Either there was corruption or there was negligence because it is obvious that there was a lot of violation,” pahayag ni Drilon.

Pero giit ng BuCor chief, wala siyang makitang “bad records” sa data ng kanilang tanggapan ukol kay Sanchez.

“I cannot find any records of those violations. They were not properly recorded,” wika ni Faeldon.

Gayunman, hindi ito matanggap ng mga senador dahil obligasyon ng pinuno ng BuCor na alamin ang tunay na background ng bilanggo bago maikonsidera ito para mapalaya.