Noon pa umanong taong 2008 ay nabuking na umano ang pakikipagrelasyon ng isa sa pinakamayamang tao sa mundo na si Bill Gates sa isang empleyada sa pamamagitan ng mga sulat sa email.
Kung maalala naging tampulan ng atensiyon ang pakikipaghiwalay ni Bill Gates sa kanyang misis at pag-alis din niya sa tech giant na Microsoft bilang co-founder noong nakalipas na taon.
Noong taong 2008 ay binigyan na raw ng warning si Gates na mali at hindi maganda ang pagpapadala nito ng sulat sa isang female staff member.
Ayon sa report ng Wall Street Journal na kinumpirma din umano ng isang Microsoft spokersperson na noong taong 2007, habang isang full-time employee at presidente si Bill Gates ng Microsoft ay nakipagrelasyon umano ito sa isang female staffer.
Idinadaan umano nito ang sulat sa email at iniimbitahan sa labas ng kanilang trabaho ang babae.
Sa sumunod na taon, dito na umano nabulgar sa kompaniya at mga top executives ang mga emails ni Gates kaya pinagsabihan ito na itigil na ang ginagawa.
Umamin din naman daw si Gates sa kanyang kamalian na ginawa at nangakong hindi na ito gagawin.
Kung maalala naiulat na rin nang magkaroon ng divorce sina Bill, 65, at Melinda Gates, 57, ay tinaya ng ilan ang posibleng paghahati ng dalawa ng kanilang kayamanan na umaabot sa $124 billion.
Samantala nitong nakalipas na araw ay muling nagkasama sina Bill at dating misis para sa kasal ng kanilang anak na si Jennifer Gates na ang mister ay isa ring equestrian na si Nayel Nassar.