-- Advertisements --

Nanawagan para sa malinis na pagtatapos ng panahon ng kampanya ang grupong EcoWaste Coalition sa lahat ng mga kandidato at mga botante.

Hiling ng environmental watchdog na agad sanang magsagawa ng post-campaign cleanup ang mga kandidato, habang umapela naman nito sa mga botante na huwag ikakalat sa mga polling center o itapon kung saan-saan ang mga sample ballot para sa Mayo 9.

Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, dapat ay ipagbawal na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbabawal sa pamamahagi ng sample ballot dahil may ilang grupo pa rin daw ang mamahagi ng mga ito na magbubunga naman ng mga pagkakalat sa mga polling stations.

Bukod dito ay pinaalalahan din ni Lucero ang mga kandidato na magsagawa ng cleanup activities alinsunod sa sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act at iba pang batas pangkalikasan upang protektahan ang pampublikong kalusugan at pati na rin ang kalikasan.

Samantala, nagbabala rin sa publiko ang naturang grupo hinggil sa mga pagsisiga at pagtatapon ng basura kung saan-saan na magreresulta naman sa polusyon sa kalikasan