-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim ngayon ang munisipalidad sa Malita, Davao Occidental sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Oktubre 2, 2021.

Una ng nagpalabas si Mayor Bradly Bautista ng Executive Order (EO) No. 17 para sa pagpapatupad ng MECQ sa nasabing lalawigan ito ay dahil pa ron sa patuloy na pagtaas ng mga nahawa ng COVID-19 cases habang nasa siyam ang bagong nahawa ng bagong variant na Delta sa katabi nitong munisipalidad na Sta. Maria.

Sa ilalim ng EO, lahat ng mga residente, non-residents, establishments at iba pang mga direkta na manatiling sumunod sa minimum health standards.

Tanging mga accredited hotels at accommodation establishments na nakapasa sa ebalwasyon sa Municipal Tourism Office, may LGU Safety Seal Team, at Business Permit and Licensing Office ang papayagan lamang na mag-operate.

Bahagi rin ng EO na sa outdoor dine-in services, papayagan ito ngunit limitado lamang ng 30 percent sa buong total venue capacity.

Sinasabing mahigpit rin na ipinagbabawal ang Mass gatherings at maaaring mahaharap sa multa ang mga makalabag sa ordinansa.

Ang mga resident eng Davao Occidental ay papayagan na makapasok sa munisipalidad ng Malita ngunit ang transaksiyon ay limitado lamang sa mahahalagang serbisyo at bibilin lamang ng mga mahahalagang bagay.

Sinasabing ang mga indibidwal na edad 18 anyos pababa at 65 anyos ay kailangab na manatili lamang sa kanilang mga bahay maliban lamang kung bibili ng mga pangangailangan at papasok sa trabaho.