-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ibinahagi ng isang mall goer ang trauma na kaniyang naranasan matapos ang pagyanig sa 5.3 magnitude na lindol kagabi kungsaan ang sentro ay nasa bayan ng Talacogon, Agusan Del Sur.

Ayon kay Mark Junsoo Ore, nasa mall siya sa bayan ng San Francisco nang kanyang naramdaman ang malakas na pagyanig lalo na’t nagbagsakan ang mga ilaw habang ang lahat ay nag-panic.

Nawala rin ang kuryente kung kaya’t sobrang madilim ang mall kung saan nang panahong yon ay nasa 2nd floor siya.

Sa ngayo’y wala naman siyang nalamang may nasaktan ngunit may senior citizen na nadapa matapos mataranta.