-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kaagad inaksyunan ng Regulatory and Compliance Board (RCB) at mga otoridad sa lungsod ng Cagayan de Oro ang pagkukumpulan ng maraming tao sa isang mall sa Barangay Lapasan.

Ito’y matapos mag-trending sa social media ang buhos ng tao para makabili ng mga branded na sapatos dahil sa bigtime sale.

Sinabi ni RCB head Atty. Egay Uy, kinausap nila ang manager ng store para ipatigil ang pagbebenta dahil hindi na nasunod ang social distancing dahil sa dami ng mga tao.

Ayon kay Uy, pansamantala munang isinara ang store at tsaka na papayagang muling magbukas kung may panuntunan na ito sa pagsunod sa minimun health standard.

Tinitingnan na ang mga violations ng store nitong may kinakaharap na pandemya ang bansa.