CENTRAL MINDANAO-Abot sa 2,340 mallard ducks at 312 na sako ng feeds ang ipinamahagi ng Office of Provincial Veterinarian (OPVet) sa 78 na mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya ng Cotabato.
Naging benepisyaryo ng naturang livestock dispersal program ang mga solo parent at Myembro ng Child Laborer Prevention and Elimination Program (CLPEP) kung saan bawat isa sa kanila ay nakakuha ng 30 mallard ducks at 4 na sakong feeds mula sa OPVet.
Sa kanyang mensahe pinasalamatan ni Jovelyn O. Hordista, 38, isang housewife at may tatlong anak na taga Brgy. Perez, Kidapawan City ang pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” TaliƱo-Mendoza sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maka-avail ng programa ng probinsya na malaki ang maitutulong sa kanilang pangkabuhayan.
Ang aktibidad ay isinagawa sa Provincial Grandstand, Amas, Kidapawan City at sinaksihan nina Former PCL President Albert Rivera bilang kinatawan ni Governor Mendoza, OPVet consultant Doctor Gary Dondonayos, Department of Labor and Employment (DOLE) Community Facilitator on CLPEP Johndeer S. Vicente, OPVet Acting Head Mary Catherine Delima at OPVet Program Coordinator Dr. Belinda Gornez.