-- Advertisements --
vergeire

Tiniyak ni dating Department of Health OIC at Undersecretary Dr. Maria Rosario Vergeire na nakapokus ang atensyon ng Kagawaran ng Kalusugan sa pagtugon sa kalusugan ng mga kabataan.

Pangunahin na dito aniya ang pagbibigay solusyon sa malawakang malnutrisyon sa mga bata.

Ayon sa opisyal, binabantayan ng DOH at ng iba pang kahanay na ahensiya ang kalusugan ng mga bata mula sa kanilang kapanganakan hanggang sa dalawang taong gulang na ang mga ito.

Ang naturang period aniya ay ang pangunahing pundasyon kasi sa kabuuang kalusugan ng mga bata, kayat kailangang mabigyan ng sapat na pokus.

Kinabibilangan ito ng sapat na pagkain, bitamina, at mga libreng bakuna, upang malabanan ang mga sakit na kadalasang umaatake sa kanila sa naturang edad.

Kasama ng DOH sa naturang kampanya ay ang Council for the Welfare of Children, National Youth Commission, Department of Social Welfare and Development, at mga lokal na pamahalaan.