-- Advertisements --
Inatasan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mga pari na magsagawa ng inspections sa lahat ng mga parishes sa kanilang lugar.
Kasunod ito sa naganap na pagbagsak ng ikalawang palapag ng St. Peter the Apostle Parish sa Tungkong Mangga, San Jose del Monte, Bulacan.
Sinabi nito na kaniyang kinausap ang mga pari na dapat kanilang inspeksyunin ang kanilang simbahan para matiyak na matibay pa ang mga pondasyon nito.
Mahalaga aniya na maayos agad ang mga ito lalo na ngayong nalalapit na ang pagsisimula ng kuwaresma.
Hinikayat din nito ang mga mananampalataya na ipagdasal ang mga biktima ng insidente.
Itinuturong dahilan ng nasabing pagbagsak ng gusali ay dahil sa inanay na ang mga kahoy ng mga ito.