-- Advertisements --
Isinasapinal na ng pamahalaan ang binubuong Bilateral Labor Agreement (BLA) kasama ang dalawang Southern European countries na Malta at Albania.
Ayon kay Philippine Ambassador to Italy Neal Imperial, patuloy ang ginagawa nilang diyalogo para sa pagkakasapinal ng naturang kasunduan.
Malaki ang maitutulong ng BLA sa pagitan ng Pilipinas at ng dalawang bansa dahil sa tiyak na magbibigay ito ng mas maraming mga trabaho.
Kabilang na dito ang mga sektor ng hotel, restaurant, spa, accounting, information and technology, tourism, retail, at caregiver.
Una na aniyang naghayag ang opisyal ng mga nabanggit na bansa ang pagnanais nilang makapag-alok ng trabaho para sa mga Pinoy workers. – GENESIS RACHO