Wala raw palag ang mamahaling depensa ng Saudi Arabia laban sa low-cost drones at cruise missiles na ginamit upang pasabugin at pilayan ang produksyon ng krudo sa bansa.
Bilyon-bilyong dolyar di-umano ang ginastos Saudi upang magkaroon ng Western military hardware na idinesenyo upang hadlangan ang mga high altitude attacks ngunit wala naman itong nagawa para protektahan ang oil facilities.
Ayon sa ilang eksperto, patunay lamang daw ang pag-atake na hindi sapat ang depensa na mayroon ang naturang bansa.
Ito ay taliwas sa naging pahayag ng Saudi Arabia na kumpleto ang kanilang kapasidad upang siguruhin ang kaligtasan ng kanilang lupain maging ng mamamayan nito.
Handa naman daw ang bansa na sumali sa US-lead coalition upang mahigpit na bantayan ang karagatan ng Middle East matapos ang pag-atake.
Samantala, magpapadala naman ang France na kanilang mga eksperto upang tumuling sa imbestigasyon hinggil sa drone attack sa Saudi Aramco facilities.
Mariin naman na kinondena ni French President Emmanuel Macron ang insidente at sinigurado rin nito kay Crown Prince Mohammed bin Salma na nakatuan ang pansin nito upang mapanatili ang katatagan ng Middle East.