CENTRAL MINDANAO – Sinampahan ngayon ng kasong cyber libel ang tatlong mga tauhan ni suspended Cotabato Governor Nancy Alaan Catamco.
Ang mga ipinagsakdal ay sina Basilio “Jun” Obello, ang chief of staff ni Catamco; Randy Patches at Anne Obello Fuentes.
Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y malisyosong akusasyon ni Obello laban sa mga miyembro ng sangguniang panlalawigan ng North Cotabato na na-ere noong Hulyo kung saan host noon sina Obello at Patches habang si Fuentes naman ang kumuha ng video at nai-post sa Facebook.
Ang katagang binitawan noon ni Obello ay “ang inyong ka-bright, kabugo lang nako,” na siya namang sinuportahan umano ni Patches.
Dahil dito ay dineklarang “persona non-grata” si Obello noon ng SP Cotabato kaya hindi rin ito kinumpirma ng bilang provincial administrator.
Binigyan ngayon ng hanggang 10 araw sina Obello, Patches at Fuentes para maghain ng kanilang judicial counter-affidavit sa kasong cyber libel.
Ang kaso ay una nang inihain ni acting Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza batay sa paglabag daw ng RA 10175 o kasong libel sa ilalim ng Article 353 ng Revised Penal Code.
Samantala, handa rin umanong harapin ni Patches ang kaso at hayaan na lamang ang korte ang magdesisyon dahil malaki ang paniniwala nito na sa bansang Pilipinas na malawak ang pintuan pagdating sa freedom of expression o malayang pagpapahayag.