-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Malubha pa rin ang kondisyon ng isang Mamamahayag sa pamamaril sa Tacurong City.

Nakilala ang biktima na si Benjie Caballero, Station Manager ng Radyo ni Juan sa Tacurong City at Presidente ng Sultan Kudarat Provincial Task Force on Media Security.

Ayon sa ulat ng pulisya na habang naghihintay nang masakyan na tricycle ang biktima sa harap ng kanyang bahay sa Purok Sampaguita Barangay New Isabela Tacurong City ay bigla itong pinagbabaril ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa siyudad ng Tacurong.

Ang biktima ay agad dinala ng kanyang mga kaibigan at kapitbahay sa Saint Louis Hospital.

Bago pinagbabaril ang biktima ay nakakatanggap na ito ng maraming banta sa kanyang buhay.

Patuloy pa na binabantayan ang mga vital signs ni Benjie Caballero matapos itong isinailalim sa isang operasyon upang tanggalin ang dalawang slug mula sa kalibre.45 na baril na tumama sa kanyang baga.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Tacurong City PNP sa pamamaril sa biktima.