-- Advertisements --
Nakatakdang ipag-utos ni President-elect Joe Biden ang pagsusuot ng face masks sa buong Estados Unidos na tatagal sa loob ng 100 araw sa oras na pormal na itong maupo bilang bagong presidente ng Amerika.
Ang hakbang aniya na ito ay upang kontrolin ang lalo pang pagkalat ng coronavirus disease sa naturang bansa.
Ayon kay Biden, naniniwala ito na makikita ang biglang pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Amerika kung susunod ang lahat.
Kakailanganin na rin daw magsuot ng face masks sa lahat ng US government buildings.
Sa huling tala ay aabot na ng mahigit 14 million ang kaso COVID-19 sa US habang 275,000 na ang namatay.