-- Advertisements --

Nagpahayag nang galit ang ilang mamamayan ng Australia dahil sa nagmahal na presyo at nagkukulang na COVID-19 test sa gitna ng surge ng mga kaso bunsod ng Omicron variant kung saan pumapalo sa kabuuang mahigit 25,000 kada araw ang mga kaso sa naturang bansa.

Naghigpit na kasi ang gobyerno sa paglimita sa mga eligible na makatanggap ng libreng RT-PCR test.

Libu-libong mga tao ang desperado na pumipila sa labas ng mga testing clinics kung saan naantala pa ang resulta ng tests.

Ayon kay Prime Minister Scott Morrison ang bagong batas ay layong maibsan ang pressure sa sistema.

Dahilan ito para tumaas ang reliance sa lateral flow tests na kilala na rapid antigen tests (RATs).

Mariing binabatikos ang administrasyon ni Morrison dahil sa kakulangan sa suplay ng COVID-19 test at ilang napaulat na insidente ng price-gouging.