-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagbabala ngayon si Provincial Disaster Risk Reduction Management (PDRRM) Officer Mercy Foronda sa patuloy na pag-ulan hanggang matapos ang taon.

Kailangan ang pag-iingat dahil inaasahan ang tuloy na tag-ulan hanggang sa huling buwan ng taong 2020.

Pinag-iingat ang lahat sa pagtawid ng mga ilog, pagmamaneho sa madulas na kalsada, at tiyakin na manatiling malusog dahil sa banta ng COVID19.

Nagpaliwanag ang PDRRM na ang naranasang mga pagbaha ay bunsod ng low pressure area (LPA), localized thunder storms, at pagpasok ng bagyong Ofel at Pepito nitong nakalipas na linggo.

Base sa record, abot sa 18,497 pamilya ang apektado ng pagbaha at kasalukuyang nagsilikas na sa mga evacuation centers. Pinaka-apektado ang bayan ng Pikit na mayroong 15,880 pamilya, mula sa 28 barangay, 2,127 ang mula sa 9 barangays ng Kabacan at 384 pamilya naman mula sa bayan ng Matalam at 106 sa bayan ng Antipas.

Naitala rin ang pagkamatay ng dalawa ka tao mula sa mga bayan ng M’lang at Makilala

Nakapaghatid na ng inisyal na tulong ang mga lokal na pamahalaan, at nagsagawa na ng rapid assessment ang PDRRM personnel.

Kumilos na rin ang tanggapan ng Provincial Engineering kaakibat ang ibang ahensya ng pamahalaan upang maagapan ang mga baradong tulay at irrigation canal.