-- Advertisements --
Patuloy ang apila ng mga opisyal ng Florida sa kanilang mga mamamayan na lumikas bago ang pagdating ng Hurricane Milton.
Sinabi ni Florida Governor Ron DeSantis na mahalaga ang agarang paglikas habang mayroon pang oras.
Tiwala din ito na kayang-kaya ng kaniyang mamamayan ang pagdaan ng bagyo basta nakahanda sila at nakatago sa mga ligtas na lugar.
Tiniyak naman ng White House na laging nak-update si US President Joe Biden at Kamala Harris sa mga nagaganap.
Itinuturing kasi ng US Federal Emergency Management Agency (Fema) na ang bagyong Milton bilang pinakamalakas na bagyong dadaan sa US na magdudulot ng bilyong halaga ng pinsala.