-- Advertisements --
HONGKONG
HK protests

Binawi na ni Hongkong chief executive Carrie Lam ang pagpapatupad nito ng extradition bill sa bansa kung saan papayagan ang mga suspected criminals na ibalik sa mainland China upang doon simulan ang kanilang paglilitis. 

Iniatras ni Lam ang kaniyang unang desisyon na nagbunsod ng malawakang kilos protesta ng mamamayan ng Hongkong. 

Paliwanag ni Lam, hindi naging sapat ang eksplanasyon na ibinigay nito sa kaniyang nasasakupan kung bakit buo ang suporta nito nasabing panukalang batas. 

Ayon pa rito, mas gusto nitong mag-focus na lamang sa bagay na magpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa naturang bansa. 

Kamakailan lamang, milyon-milyong mamamayan ng Hong Kong ang nagka-isa upang kalampagin ang kanilang gobyerno at ipakita ang pagtutol sa extradition bill. 

Ikinatuwa naman ng mamamayan ng Hong Kong ang balitang ito, dahil sa oras na maipatupad umano ang extradition bill sa kanilang bansa ay mae-expose lamang ang lehislatura nito sa di-umano’y palpak na justice system ng China.