-- Advertisements --
Hong kong protests rallies 1

Hindi inalintana ng mga anti-democracy protesters sa Hong Kong ang hindi pagbibigay permiso ng Hong Kong police upang ituloy nila ang kanilang kilos-protesta ngayong araw.

Ito na ang ika-13 linggo sa patuloy na panawagan ng mga mamamayan para sa kanilang kalayaan mula sa pamumuno ng China.

Inaresto kahapon ng mga otoridad ang ilan sa mga prominenteng pro-democracy activists tulad nina Joshua Wong at Agnes Chow.

Tatlong mambabatas din ang dinakip ng mga otoridad sa dahilang pakikisali umano ng mga ito sa naturang kaguluhan.

Kinansela naman ng Civil Human Rights Front ang nakatakda sanang mass march at rally kung kaya’t ang ilan sa mga ito ay naghiwa-hiwalay at muling hinarangan ang mga kalsada na patungong Liaison Office of the Central People’s Government sa western district ng Hong Kong.

Tinatayang umabot na sa 900 katao ang hinuli ng mga pulis simula noong unang araw na magsimula ang pag-aalsa.