-- Advertisements --
Ilang daang libong mga mamamayan ng Hong Kong ang nagsagawa ng kilos protesta.
Inalmahan kasi nila ang panukalang batas na dadalhin ang mga suspek sa Mainland China para doon isagawa ang pagdinig sa kanilang kaso.
Umabot sa mahigit pitong oras ang ginawang kilos protesta kung saan ayon sa pagtaya ng mga kapulisan ay aabot sa mahigit 240,000 ang nakibahagi sa kilos protesta.
Panawagan naman ng beteranong Democratic Party lawmaker James To kay Hong Kong Chief Executive Carrie Lam na iatras ang nasabing panukalang batas at siya ay magbitiw sa puwesto.
Nakahanda naman ang mga anti-riot police sa lugar para maiwasan ang anumang kaguluhan.