LAOAG CITY – Sinuspinde na rin ni Governor Matthew Marcos-Manotoc ang klase mula pre-school hanggang senior high school, pampubliko man o pribadong paaralan sa buong Ilocos Norte.
Ito ang pahayag ni Manotoc matapos itinaas na sa lalawigan ang signal number one dahil sa bagyong Jenny.
Samantala, puspusan din ang paghahanda at pag-monitor ng mga opisyal sa lalawigan lalong-lalo na sa posibleng epekto ng panibagong bagyo.
Una nang ipinayo ni Manotoc sa mga mangingisda na huwag munang pumalaot sa dagat habang pinayuhan din niya ang mga magsasaka na ngayon pa lamang ay ilagay na ang mga alagang hayop sa mga ligtas na lugar.
Maalala na daang-daang alagang hayop ang namatay matapos inanod ng malakas na tubig sa nangyaring baha sa malaking bahagi ng lalawigan sa pananalasa ng bagyong Ineng kung saan umabot na sa mahigit P1 bilyon ang halaga ng mga nasira sa agrikultura at imprastraktura sa Ilocos Norte.