-- Advertisements --
Naglabas na rin ang embahada ng India sa Kyiv ngayong araw na humihiling sa kanilang mga mamamayan partikular na ang mga estudyante na pansamantalang lisanin ang Ukraine.
Ito ay may kaugnayan sa walang kasiguraduhang kasalukuyang sitwasyon sa Ukraine dahil sa pangamba ng paglusob ng Russia sa naturang bansa.
Nag-abiso din ang Indian embassy na iwasan ang lahat ng non-essential travel patungo sa Ukraine.
Hinimok rin ang mga Indian nationals na makipag-ugnayan sa embahada hinggil sa kanilang status.