CENTRAL MINDANAO – Masaya at nagkakaisang ipinagdiwang ng lungsod ng Kidapawan ang ika-75 taong pagkakatatag nito bilang munisipyo ng lalawigan ng Cotabato.
Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng isang civic-military parade na may temang Colors of Mindanao.
πππππ’ππ π π ππππππ π π πΎππππππ€ππ πΆππ‘π¦ πππ¦ππ π΄π‘π‘π¦. π½ππ π πππππ π. πΈπ£πππππππ π‘π πππ πππ πππ πππ ππππ πππ ππππ π¦ππ ππ πΏπ’πππ ππ ππ πΎππππππ€ππ ππππππππ π πππ ππππ-πππ¦ππ ππππ£ππ πΏππππ‘π, π½π. πππ πππ¦πππππ ππ ππππππ’πππππ ππππππ’πππ ππ ππ πΎππππππ€ππ, πππ ππππππ¦πππ, πππ£πππππππ‘ πππππππ ππ‘ ππππ-ππππππππ , ππππππβπ πππππππ§ππ‘ππππ , ππ’π ππππ π , πππππππ, ππ‘ πππ ππππ π πππ‘ππ.
Sumunod naman ang programa para sa 75th Foundation Anniversary ng Kidapawan sa loob ng city gym.
Nagbigay ng kanyang audio-visual message si Department and Budget and Management Sec. Amenah Pangandaman kung saan pinuri niya ang pagsisikap ng City Government of Kidapawan at mamamayan nito na maipagdiwang ang anibersaryo sa pamamagitan ng simple ngunit makulay at makabuluhang mga aktibidad.
Sa naturang pagkakataon ay binigyan ng recognition o pagkilala si dating city mayor at ngayon ay SP Cotabato Senior Board Member Joseph Evangelista dahil sa mahabang panahon ng paglilingkod at pagmamahal sa lungsod at sa mga Kidapawenos.
Naging panauhin din at nagbigay ng kanikanilang mensahe sina Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza at Vice-Governor Efren Pinol.
Ginawa din ang launching ng Commemorative Stamps ng Kidapawan City na kauna-unahan naman sa kasaysayan ng lungsod. Tampok rito ang lake Venado Mt. Apo Natural Park, Paniki Falls Eco-River Park, Kasadya sa Timpupo Fruit Festival at Islands sa Highway ng Kidapawan.
Ginanap din ang pinaka-aantay na Fruit Festival Thematic Street Dancing Competition kung saan apat na contingents ang naglaban at nagpakitang gilas sa street dancing β The Nymphs of Kidapawan (DepEd/KCNHS – Champion P50,000), Sinagtala (Paco National Hiigh School), Rambo Fairies (Central Mindanao Colleges), at Rainbow Fairies (LGBTQ Community).
Bawat contingent naman ay tumanggap ng tig-P50,000 bilang subsidy mula sa City Government of Kidapawan.
Sinundan ito ng Kainan ng Bayan sa City Plaza kung saan inimbitahan ang mga piling mamamayan mula sa 40 barangay ng lungsod ng Kidapawan na pagsaluhan ang pagkaing inihanda ng City Government of Kidapawan.
Hindi pa rin nagpahuli ang “Fruits Eat All You Can for a Cause sa City Plaza na nasa ika-labing tatlo at huling araw kung saan inihain ang ibaβt-ibang prutas tulad ng duryan, marang, mangoosten, lansones, saging, dragon fruit, kabilang na ang βsinugbang duryanβ grilled cheesy durian na kinagigiliwan ng lahat.
At bilang pangwakas o finale, isang fireworks display ang ginanap sa Kidapawan City Pilot Elementary School o KCPES Grounds na sinundan ng isang fire dance show sa City Hall grounds.
Ito naman ay bilang pasasalamat sa lahat ng sektor na nakiisa sa pagdiriwang ng mahalagang okasyon ng lungsod na naging lubos na matagumpay sa kabila ng ibaβt-ibang suliranin at pagsubok tulad ng COVID-19 pandemic, malakas na buhos ng ulan na nagresulta sa flashfloods at iba pang mga hamon.
Kaugnay nito, muling pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang mga Kidapawenos at ang bawat isa na sumuporta sa mga aktibidad ng 75th Foundation Anniversary of Kidapawan – Kasadya sa Timpupo β22 na may temang βNagkakaisaβt Luntiang Kidapawan tungo sa Makulay na Kinabukasanβ.