-- Advertisements --
ILOILO CITY – Naghahanda na ang mga residente sa Sweden sa paparating na snow storm.
Ayon kay Bombo International Correspondent Nancy Fio direkta sa Stockholm, Sweden, naglabas na ng abiso ang mga otoridad lalo na ang mga nakatira sa Västernorrland region o northern Sweden.
Anyan ito ang unang pagkakataon na naglabas ang weather agency ng class-three – red –na weather warning dahil sa heavy snow.
Kaugnay nito, isinara na rin ang railway o daan ng tren bilang paghahanda sa snow storm upang maiwasan ang aksidente.
Tinatayang 50 hanggang 70 sentimetro ng snow ang tatama sa northern Sweden ayon sa national weather agency.