GENERAL SANTOS CITY – Abala ngayon ang France para sa Paris 2024 Olympic Games.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ann Arellano Barray sa France, abala na ang mga French hindi lamang sa Metropolitan France kundi maging sa ibang French territory bago ang pormal na pagbubukas ng tournament.
Bago ang opening, ang Olympic torch relay ay naglibot na ngayon sa iba’t ibang bahagi ng France na tatagal ng 68 araw at ito ay magtatapos sa Paris para sa simula ng pagsisindi ng Olympic flame sa Hulyo 26.
Ang torch ay unang sinindihan sa Greece noong Abril 26 at ang relay ay tumagal ng 11 na araw.
Sa kasalukuyan ay sarado ang ilan sa mga kalsada at makikita sa paligid ang ibat-ibang dekorasyong may kaugnayan sa Olympics.
Maraming turista na mula sa ibang bansa ang kasalukuyang nasa Paris.
Bilang karagdagan, ang hotel at iba pang mga lugar ay handa na rin para sa mga atleta mula sa ibang mga bansa.
Para naman sa seguridad, maraming mga pulis ang makikita sa paligid.
Ito ang pangatlong beses na naging host ang Paris sa Olympics at ang una ay noong 1900 at 1924.