-- Advertisements --
DOLLS
Doll

Nanawagan ang maraming mamamayan ng South Korea sa pagbabawal ng pagbebenta ng life-size sex dolls.

Umabot na sa halos isang milyon ang pumirma sa petisyon na nanawagan sa kanilang pangulo na itinigil ang anumang pagbebenta ng nasabing adult-doll para hindi masira ang kanilang moral.

Nauna ng iniutos ng Seoul High Court noong Enero na legal ang sex dolls na puwede lamang gamitin pampersonal at mahigpit na pinagbabawal sa pornography.

Nilinaw naman ng tagapagsalita ng Incheon Main Customs na kanilang pinapayagan ang import ng mga sex dolls mula Japan habang pinag-aaralan nila kung papayagan ang mga imported dolls mula sa China.

Umaabot sa $840 o mahigit P42,000 ang presyo ng mga life-sized na adult doll na mabenta sa Korea.