-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Isasagawa ngayong araw ng sa General Santos City Police Office (GSCPO) ang wreath laying ceremony kaugnay sa ikalimang taon na anibersaryo ng Mamasapano massacre kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ang patay.
Ayon kay City-Philippine National Police director Col. Aden Lagradante, sa pamamagitan nito kanilang aalalahanin ang kabayanihan ng SAF 44 na binawian ng buhay sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.
Gaganapin ang seremonya sa Pabalinas Memorial Park sa loob ng Camp Fermin G Lira Jr. sa lungsod, alas 8:00 ng umaga ngayong araw.
Ang naturang wreath laying ceremony ay dadaluhan din ng mga PNP officials at iba pa.