Hinikayat ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa Bureau of Internal Revenue na magbigay ng karampatang tax credit sa mga pamilihan na susunod sa mas mataas na diskwento para sa mga basic goods para sa mga senior citizen at PWDs sa bansa.
Pasok sa mga pamilihan na ito ang mga supermarket, grocery at retail stores.
Ayon kay Villafuerte, magandang balita naman ang mula sa P65 kada linggo na diskwento sa binibiling basic necessities and prime commodities ng mga PWDs at Senior.
Sa ngayon kasi ay itinaas na ito sa P125 at tiyak na apektado nito ang mga tindahan sa bansa.
Makatutulong aniya ang pagbibigay ng ahensya ng tax breaks sa mga supermarket at tindahan upang hindi sila malugi.
Layon rinn nito na matiyak na tatalima sila ang mga bagong polisiya na ipinatutupad ng gobyerno.
Ipinunto pa ni Villafuerte na posible kasing itaas ng mga negosyante ang presyo ng mga pangunahing bilihin para makabawi sila sa mawawalang kita. Dahil na rin ito sa pagpapatupad ng mataas na discount sa mga senior at PWDs.
Giit pa ng kongresista na kamakailan lang ay inaprubahan ng Department of Trade and Industry ang price increase sa 40 BNPC goods.