-- Advertisements --

Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang Philippine Amusement and Gaming Corportation (PAGCOR) na maghain ng kaso laban sa mga opisyal na sangkot sa umano’y maanomalyang kontrata ng dating third party auditor ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa isang pahayag ay iginiit ng mambabatas na kailangang mapanagot ang mga opisyal at empleyado ng PAGCOR na naging pabaya o kaya’y nakipagsabwatan sa Global ComRCI na dahilan kung bakit sa kanila napunta ang kontrata kahit na malinaw na hindi sila kwalipikado para rito.

Aniya, dapat habulin at sampahan ng kaso ang mga opisyal at empleyado sa gobyerno na gumagawa ng mga katiwalian para masawata ang ganitong uri ng masasamang gagawain.

Kung maaalala, kamakailan lang ay nanawagan ito ng “immediate ban” ng POGO sa bansa, ilang buwan matapos i-terminate ng PAGCOR ang kontrata ng Global ComRCI dahil sa umano’y mga “unlawful acts” nito batay sa kanilang mga naging pagsusuri.