Binigyang diin ni House Committee on Human Rights Chair Bienvenido Abante ang kahalagahan na alalahanin ng publiko ang mga naging biktima ng tokhang at biktima ng mga kaso ng hazing ngayong panahon ng Undas.
Kasabay nito ang panawagan sa lahat na mag-alay ng panalangin sa mga libo-libong biktima ng extrajudicial killings sa panahon ng war on drugs.
Ayon kay Abante, sa pagkamit ng hustisya ay kalaban nito ang tuluyang paglimot sa mga biktima ng mga insidente ng paglabag sa karapatang-pantao.
Kaugnay nito ay hinimok ng mambabatas ang Supreme Court na maglabas ng rekomendasyon sa Kongreso hinggil sa pagkakaroon ng deadline sa pagreresolba sa mga kasong kriminal.
Sa ganitong paraan aniya ay mabilis na mabibigyan ng karampatang hustisya ang mga biktima ng EKJs.