-- Advertisements --
sjdm bulacan 1

Inihayag ni San Jose del Monte Representative Rida Robes na kanyang iginagalang ang desisyon ng mga residente ng San Jose Del Monte na manatili bilang component city ng Bulacan ang naturang bayan.

Sa naging plebisito noong Oktubre 30, nanalo ang NO vote para gawing Highly Urbanized City ang SJDM.

Paliwanag nito na bagamat nabigo silang matupad ang layunin na kanilang ipinaglaban ay tinatanggap nito ang desisyon ng sambayanan.

Tiniyak naman nito sa mga taga San Jose Del Monte na patuloy pa rin nilang pauunlarin ang kanilang bayan.

Aniya, malinaw na isa itong diwa ng demokrasya na kailangan manaig

Batay sa datos, nasa 820,385 na Bulakenyo ang bumoto tutol sa pagdedeklara sa San Jose Del Monte bilang Highly Urbanize City habang 620,707 lamang ang bumoto pabor dito.