Muling iginiit ni House Ways and Means Committee Chair at Albay Rep. Joey Salceda na dapat bigyang tuon ng pamahalaan ang mga gameplan nito bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng inflation sa bansa.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na maitala sa bansa ang aabot sa 3.7 percent inflation rate para sa buwan ng Marso mula ito sa naitalang 3.4 percent noong nakaraang buwan ng Pebrero.
Iginiit pa ng opisyal na ang bunsod ng food inflation ang kabuuang 5.7% na naitala noong nakaraang taon.
Itinuturong dahilan rin ni Salceda sa pagtaas ng inflation rate sa bansa ay ang pagkakaroon ng problema sa presyuhan ng bigas sa global market.
Ito aniya ay dapat nasa 3.1 percent nalang lalo at natapyasan na rin ang presyo ng mga produktong mais, isda, gulay at maging asukal.
Kaugnay nito ay kinilala ng mambabatas nag mga hakbang na ginagawa ng DA sa pangunguna ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Patuloy rin kasi ang pamamahagi ng Department of Agriculture ng mga rice production support.
Batay sa datos ng ahensya, 92% na ng kabuuang target na machinery distribution ang naipamahagi.
Patuloy rin ito sa pagpapaabot ng kabuuang P12 billion na tulong pinansyal para sa mga magsasaka sa bansa na inaasahang matatapos sa buwan ng Hunyo panahon ng anihan.
Malaki rin aniya ang ambag sa pagbaba ng presyo ng bigas matapos na simulan ang paglilinis sa hanay ng NFA.