-- Advertisements --

Iginiit ni Bohol Third District Representative Alexie Tutor na mayroong sapat na pondo ang mga State Universities and Colleges at Local Universities and Colleges para ipagpatuloy ang SHS program

Paliwanag ng mambabatas, nakasaad sa Department Order Number 20, series of 2023 ng Department of Education tanging ang voucher program lamang para sa SHS ang ipinatitigil ng ahensya.

Dahil dito maaari aniyang ituloy ng mga SUCs at LUCs ang pag-aalok ng Senior High School program basta’t matitiyak na mayroon silang pondo.

Sa kabila nito ay aminado naman ang opisyal na iilang SUCs at LUCs lamang ang may kakayahan ipagpatuloy ang naturang programa.

Umaasa naman si ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ikonsidera ng mga kinauukulan ang pagpapatupad ng nasabing kautusan.

Kailangan aniya na magkaroon ng sapat na konsultasyon sa mga mag-aaral, magulang at guro na maaapektuhan.