-- Advertisements --
Plano ngayon ng Democrats sa US House of Representative na pagbotohan kung i-contempt nila si Attorney General William Barr.
Kasunod ito ng hindi pagsumite ni Barr ng buong version ni report ni Special Counsel Robert Mueller sa judiciary committee.
Isasagawa ang pagboboto ngayong araw.
Ayon sa mga mambabatas ng Democrats na hindi sumunod si Barr sa legal order para sa pagpapalabas ng tunay na ulat ni Mueller.
Kapwa nag-akusa ang White House at Kongreso sa pag-aabuso ng kanilang posisyon.
Ang 448-pahina na Mueller report ay naglalaman kung talagang nangialam ang Russia noong 2016 US elections.