LEGAZPI CITY- Nanindigan si Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas na walang maitutulong ang isinusulong na Constitutional Convention.
Aniya hindi siya sang-ayon sa ganitong mga panukala ng economic provisions dahil masyado nang liberal ang kasalukuyang sitwasyon subalit hindi naman umaangat ang buhay ng mga ordinaryong mamamayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa mambabatas, nagpahahayag ito ng pagkabahala na maging daan ang ConCon sa tuluyang pag-amyenda sa political at economic constitution.
Paliwanag nito na kahit pa tuluyang magbago ang konstitusyon ng bansa ay hindi pa rin nagbabago ang political situation kung saan langkaban pa rin ang political dynasty.
Dagdag pa ni Brosas na nakakabahala na ang mga opisyal na kasalukuyang naka upo sa posisyon ay magkaroon pa ng mas malaking kapangyarihan para sa pangsariling interes.
Imbes na aniya isulong ang pagbabago ng konstitusyon ay dapat na tuutukan g pamahalaan ang paglalago ng sektor ng agrikultura, pagpapalakas ng lokal na produksyon, pagnanais na magkaroon ng sariling industriya at pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa na magiging kapaki-pakinabang para sa mga mamamayang Pilipino.