Nagkasundo ang mga mambabatas na panahon na para maki-alam ang gobyerno laban sa mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news na maituturing na traydor ng bayan ang mga ito.
Sa pagdinig ngayong araw ng Tri Committee na layong tugunan ang talamak na pagpapakalat ng mga pekeng balita sa social media at nagpahayag ng matinding pagkabahala hinggil sa weaponization sa digital platforms at ang pagtaas ng organized troll networks.
Dahil dito nakita ng mga kongresista na panahon na para magkaroon ng intervention ang gobyerno para ma regulate ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
Ang TriCom ay binubuo House Committees on Public Order and Safety, on Information and Communications Technology and on Public Information.
Binigyang linaw naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na hindi layon ng kanilang imbestigasyon na pigilan ang malayang pananalita kundi magkaroon ng accountability sa digital space.
Nanawagan naman si Barbers na magkaroon ng regulatory framework para sa social media kahalintulad sa ethical standards ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) para sa broadcast media.
Nagbabala si Barbers na karamihan sa mga nasabing aktibidad ay mayruong ugnayan sa illicit financial sources mula sa mga illicit activities gaya ng POGO operations o criminal syndicates.
Dagdag pa ni Barbers kapag hinayaan na lamang ito ang mga pekeng impormasyon ay posibleng makakasira sa tiwala sa mga government institution at maapektuhan ang ating demokrasya.
Binigyang-diin naman ni Laguna Rep. Dan Fernandez na mayruong masamang epekto ang pagpapakalat ng maling impormasyon lalo na sa kalusugan.