Isinusulong ni Davao City Rep. Paolo Duterte na gawing libre ang mgabayarin sa licensure examination, kasama na ang Bar Exam.
Ayon sa Kongresista, hindi dapat maging hadlang ang mataas na gastusin sa mga nasabing examination, bago makamit ng mga nagsipagtapos ang kanilang lisensiya.
Isinasagawa aniya ang mga nasabing pagsusulit upang makita ang kaalaman ng mga ito, at hindi ang kanilang pinansyal na kalagayan.
Kung maisasabatas, sakop nito ang mga pagsusulit na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC), Civil Service Commission (CSC), at maging ang Bar Examinations.
Maaari namang ma-avail ang libreng licensure exam fee, isang beses sa isang taon.
Batay sa kasalukuyang regulasyon, sumisingil ang Professional Regulation Commission ng mula P450 hanggang sa P1,050 na fee, depende sa service exam.
Mahigit P12,000 naman para sa Bar Exam. Habang sa CSC, naniningil ito ng P500 na fee para sa professional at sub-prof CSE