Todo panawagan ngayon si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto sa Department of Transportation na dagdagan ang mga bus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals.
Paliwanag ng mambabatas, kailangan daw kasing paghandaan ang tinatawag na “revenge travel” ng mga biyahero na posibleng umabot ng hanggang 50 million passengers.
Dahil dito, kailangan daw ay madagdagan ang biyahe ng mga bus mula sa mga malls at carousel na maghahatid sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport.
Mas maganda raw ito kaysa ang mga taxi at service vehicles lang ang pagpipilian ng mga pasahero papunta o pauwi mula airport ay maigi na isama na rin ang mga bus.
Dahil wala raw mga tren na papunta sa paliparan ay ang bus ang susunod na magandang pagpilian ng mga pasaherong gustong pumunta sa airport.
Aniya, sa lahat ng mga paliparan daw sa buong mundo ay bahagi na ang mga bus ng isang integrated transportation system servicing ng airport.
Dagdag pa nito na dapat ay libre na ang paglipat ng mga pasahero sa ibang terminal lalo na yung mga may connecting flight.
Aniya, dapat ay kasama na ito sa binayarang terminal fee.