-- Advertisements --
Muling binigyang diin ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang pagbabawal sa pagpapaputok ng baril ngayong bagong taon.
Apela pa nito sa gun owners na maging responsable sa paggamit ng kanilang firearms.
Tinukoy ni Salo na noong pagsalubong sa taong 2022, may 17 insidente ng illegal discharge of firearms at apat na kaso ng tinamaan ng ligaw na bala.
Pinahihigpitan din ng mambabatas sa mga pulis ang pagbabantay at paghuli sa mga magpapaputok o nagpaputok ng baril ngayong bagong taon.
Ang pagpapaputok ng baril ng walang legal na dahilan ay isang paglabag sa R.A. 11926.
Ang mahuhuli ay mahaharap sa apat hanggang anim na buwang pagkakakulong.
Kung may tamaan sa pagpapaputok ng baril ay maaari pa aniyang tumaas ang parusa.