Nakakuha pa ng maraming boto ang isinulong ng mga mambabatas sa Argentina sa legalisasyon ng abortion.
Sa lower house ng parliamento ay nakakuha ito ng 131 ang sumang-ayon habang 117 naman hindi pabor.
Bago maging batas ang nasabing panukalang batas ay dapat aprubado ito ng senado.
Umabot ng 20 oras sa lower house bago isagawa ng botohan.
Inaasahan na pagbobotohan naman ng senado ang nasabing panukalang batas sa katapusan ng buwan.
Sinabi ni President Alberto Fernandez na siyang nagsulong ng abortion na maaari lamang isagawa ang abortion ng hanggang 14 linggo na buntis ang isang babae.
Sa kasalukuyan kasi, isinasagawa ang abortion kapag ang babae ay biktima ng panggagahasa.
Nanawagan naman ang simbahang katolika sa mga mambabatas na huwag ng ituloy ang pagpasa ng nasabing panukalang batas.