-- Advertisements --

Nanawagan ang mga mambabatas sa Japan sa United States na magsagawa sila ng military exercises sa East China Sea islands na inaangkin ng China.

Ito ang laman ng panukalang batas para mapigilan ang pag-angkin ng China sa Kuba Island at Taisho Island.

Ang nasabing mga isla kasi ay bahagi ng tinatawag ng Japan na Senkaku islands.

Ayon kasi sa Japan na mas pinaigting pa kasi ng China ang kanilang aktibidad sa isla na labis nilang ikinakabahala.

Nakasaad sa proposal ng mga mambabatas sa Japan na maglagay ng karagdagang barko, coastguard para maigting ang pagpapatupad ng maritime law.