-- Advertisements --
Arestado ang isang miyembro ng parliyamento sa Kenya matapos ang ginawa nitong pananampal sa kapwa mambabatas.
Kinilala ang naaresto na si Rashid Kassim habang ang sinampal nito ay si Fatuma Gedi.
Base sa imbestigasyon nagalit si Kassim dahil walang inilaan na pondo para sa kaniyang constituent si Gedi na siyang humahawak ng budget committee.
Nangyari ang pang-aatake sa parking area ng legislative office ng Kenya.