-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hustisya ngayon ang hiling ng isang mambabatas sa probinsya ng Maguindanao sa pamamaril patay sa kanyang taga-suporta sa Koronadal City.

Ayon kay Maguindanao 2nd District Board Member King Jhazzer na binaril patay si Jamael Khanda Haron habang sakay ito ng kanyang Black Montero sa Alunan Avenue, Koronadal City.

Ang batang mambabatas ay anak ni dating Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu, na ngayon ay isang kongresista na kumakatawan sa ikalawang distrito ng Maguindanao.

Sinabi ni BM King Jhazzer na naalarma siya sa pagpatay kay Haron.

“Because he was so close to me as if I was the one being attacked”ani Mangudadatu.

Dagdag ng opisyal na walang sinabi si Haron sa kanya na may banta ito sa kanyang buhay ngunit ang iba niyang kaibigan nagkomperma na may natatanggap itong pagbabanta.

“I am convinced it was politically motivated,” paglilinaw ni Mangudadatu.

Hiniling ng mambabatas sa pulisya at militar na tulungan na masawata ang political vendetta sa Maguindanao.